Introduksiyon
Sinusuri ng pamahalaan ng B.C. ang mga tuntunin na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagtatrabaho at workers compensation coverage para sa mga nagsasagawa ng mga app-based ride-hail at delivery na trabaho. Ang mga tuntuning ito ay naging batas noong Setyembre 3, 2024. Kabilang dito ang:
- Pagkakaroon ng minimum wage
- Pagkakaroon ng magkahiwalay na minimum na bayad para sa binyaheng distansiya (distance travelled)
- Mga tuntunin tungkol sa deactivation
- Workers’ compensation coverage kung ikaw ay nasaktan o na-injure habang nagtatrabaho
- Mga pangkalusugan at pangkaligtasang proteksiyon para sa mga manggagawa
Mayroong karagdagang impormasyon sa Minimum Standards and Protections overview.
Iniimbitahan namin ang mga indibidwal na nagsagawa ng mga app-based ride-hail at delivery na trabaho, at ang publiko, na sagutan ang survey na ito.
Makakatulong ang inyong mga tugon upang maunawaan namin ang mga kondisyon sa trabaho sa sektor na ito at kung paano naipapatupad ang mga tuntuning ito sa totoong buhay.
Masasagutan ang survey na ito mula Hulyo 17 hanggang Setyembre 1, 2026 (4 pm PT).
Tandaan: Ang online feedback form na ito ay gumagana gamit ang lahat ng mga mas bagong katulad na browser, tulad ng Firefox, Chrome, Opera, Microsoft Edge, atbp. na may naka-activate na JavaScript. Dapat naka-enable ang cookies sa setting ng iyong browser para gumana nang maayos ang questionnaire. Magta-time out ang questionnaire kapag ito ay inactive (hindi ginagamit) nang mahigit sa isang oras.
Abiso ng Koleksiyon: Ang impormasyong ibinigay sa pamamagitan ng survey na ito ay kinolekta ng Ministry of Citizens’ Services sa ngalan ng Ministry of Labour. Kung pinili mong ibigay ang iyong contact information, kokolektahin ang iyong personal na impormasyon sa ilalim ng seksyon 26(c) at 26(e) ng Freedom of Information and Protection of Privacy Act (FOIPPA). Ang impormasyong ito ay kokolektahin para sa layunin ng pagsusuri ng Mga Minimum o Batayang Pamantayan at Proteksiyon para sa mga App-Based Ride-Hail at Delivery Worker at para pangasiwaan ang anumang kasunod na aktibidad para sa engagement.
Boluntaryo ang paglahok sa survey na ito. Maaari mong sagutan nang anonymous ang survey na ito. Kung ikaw ay isang app-based worker at nais mong makipag-ugnayan kami sa iyo upang mas magbahagi pa ng iyong mga pananaw pagkatapos ng survey na ito, maaari mong iwan ang iyong contact information sa dulo ng survey na ito. Ang anumang contact information na ibinigay ay papanatilihing kumpidensiyal at gagamitin lamang sa layong ipinahayag sa itaas.
Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa form na ito, maaaring makipag-ugnayan sa: CitizenEngagement@gov.bc.ca.